Tuesday, April 21, 2015

HINDI MAKATAONG PALAKAD NG JAMC MARKETING, IBINUNYAG

SA pagpapatuloy ng paglabas natin ng hindi makataong pamamalakad ng kumpanyang JAMC Marketing sa kanilang mga empleyado, muli nating basahin ang mga sentimyento ng mga ito.

Ang pangalawang concern namin ay ang mga SSS at Pag-Ibig. Sa SSS, may mga loan kami na kinakaltasan sa sahod namin ng opisina. Tama ‘yun na kinakaltasan kami ngunit ‘pag nag-verify kami sa SSS ay walang hulog. Pero sa pay-slip namin ay may kaltas. Meron  ngang umaabot ng 1 year na walang hulog o 6 months. Saan kaya napupunta ‘yun?

‘Pag nagtanong naman kami sa H.R. Department, ang isasagot sa amin ay SSS daw ang may problema. ‘Pag nagpunta naman kami sa SSS, ang sasabihin naman sa amin ay itanong namin sa kompanya namin. Ano ba talaga ang totoo (Kuya Eddie)? ‘Pag nagpumilit naman kami na alamin ang kasagutan, tiyak pag-iinitan kami at ililipat ng branch na malayo sa pamilya namin.

Eto ang isang malupit. Kada quarter ng taon ay may audit ang Nestle, tinitingnan kung sumusunod ang kompanya sa standard ng Nestle.

Matutuwa ka rito dahil tatawagin ka at papupuntahin ka sa H.R. kung nasaan ka mang area. Basta nasa vicinity ka ng kumpanya ay pupuntahan ka at papipirmahin ka sa papel na may taklob at ‘yun daw ay sa payroll.

Ang tanong, ikaw ba ay pipirma sa isang dokumentadong papeles nang hindi mo alam ang pinipirmahan mo? (ITUTULOY)

VK SA LAS PIÑAS OK KAY HEPE

Isang pulis na nagngangalang John Miranda ng Las Piñas ang may latag ng  sandamukal na VK.

Ang balita ko pa nga, ang pulis na ito’y malakas kay Las Piñas Chief-of-Police Supt. Adolfo Samala.

Malakas si John Miranda kay hepe hindi ko lang alam kung gaano katotoo na  tong-collector siya nito.

o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

.. Continue: Remate.ph (source)

HINDI MAKATAONG PALAKAD NG JAMC MARKETING, IBINUNYAG

No comments:

Post a Comment