Sunday, April 5, 2015

Chedeng, peligroso pa rin

KAHIT humina na ang Tropical Cyclone Chedeng (Maysak) at maging isa na lamang tropical depression, magdudulot pa rin ito ng panganib dahil sa gale warning, babala kaninang umaga (Abril 5) ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


Sinabi ni NDRRMC head Alexander Pama na may malalaking alon ang nagbabanta sa Luzon’s eastern seaboard.


“Huwag lang po sana natin isipin na libre na lahat dahil mayroon pa ring pag-alon,” banta ni Pama.


Hindi pa rin aniya pinapayagan ng awtoridad na makabiyahe ang mga roll-on roll-off vessels sa eastern seaboard ng Luzon.


Nauna nang nagbabala ang PAGASA ng gale warning na nasa northern seaboard ng Luzon, at eastern seaboard ng Northern at Southern Luzon.


Kabilang aniya dito ay ang Batanes, Calayan, Cagayan, at eastern coasts ng Quezon, Camarines at Catanduanes. Ang mga alaon sa nabanggit na lugar ay maaring umabot sa 4.5 meters.


“Fishing boats and other small sea crafts are advised not to venture out into the sea while larger sea vessels are alerted against big waves,” pahayag pa ng PAGASA. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Chedeng, peligroso pa rin


No comments:

Post a Comment