SUMIRIT pa sa apat ang naitalang bilang ng mga nalagas sa pagdaraos ng Kuwaresma, ayon sa ulat kaninang umaga (Abril 5) ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa 6 a.m. update, sinabi ng NDRRMC na may 26 namang nasugatan na karamihan ay sa vehicular incident sa Lanao del Norte.
Ayon sa NDRRMC, ang pinakahuling kaswalidad ay si Hilbert Barnido, na namatay sa isang vehicular incident sa Bgy. Tacub sa Kauswag, Lanao del Norte, si Reylan Hustuhan, 39, na namatay sa isang grenade blast sa Purok 5, Bgy. Talakag, Bukidnon.
Nauna rito, may dalawang high school students ang nalunod habang lumalangoy sa Valencia City, Bukidnon. Iniulat na nawawala ang dalawa noon pang Marso 29 pero nitong nakaraang Abril 1 lamang ito natagpuan.
Sa 26 na nasugatan, walo rito ay local tourists na lumangoy sa stony water sa Bgy. Sibali sa Digusit, Baler, Aurora nang rumagsa ang naglalakihang alon.
Sa kabilang dako naman, nasaktan ang biktimang si Mary Oblad, sa isang grenade blast sa Talakag, Bukidnon.
May 17 naman na biktima ng vehicular accident sa Kauswag, Lanao del Norte. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment