Sunday, April 5, 2015

Bus vs kotse, 2 lagas

DALAWA ang nalagas habang apat naman ang sugatan nang magsuwagan ang isang pampasaherong bus at kotse sa lungsod ng Tarlac kaninang umaga (Abril 5).


Dead-on-the-spot sanhi ng iba’t ibang pinsala sa ulo at katawan ang mga biktimang sina Joanna Salvador, 21, at Jomar Bacuan.


Naisugod naman sa Tecson Medical Center sa Tarlac City sanhi ng tinamong pinsala sa katawan ang apat pang biktimang hindi nakuha ang mga pangalan.


Nasa kustodiya na ng pulisya at nakatakdang sampahan na kaukulang kaso ang suspek.


Sa ulat, naganap ang insidente dakong 12:45 p.m. sa Provincial road sa Bgy, Maliwalo, Tarlac city.


Bago ito, nanggaling ang mga biktima sa Minor Basilica ng Our Lady of Manaog sa Pangasinan at pauwi na ng Caloocan City lulan ng kanilang Hyundai accent na kotse (HBG 301).


Pagsapit sa lugar, bigla silang sinuwag ng isang Baliwag transit bus (CXU 193) bago makarating sa SLEX. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Bus vs kotse, 2 lagas


No comments:

Post a Comment