Saturday, April 4, 2015

Catanduanes signal No. 2; 23 probinsyang signal No. 1, nadagdagan pa

NASA signal no. 2 na ang lalawigan ng Catanduanes dahil sa hagupit ngayon ng bagyong Chedeng.


Itinaas na rin ng PAGASA sa signal no. 1 sa sumusunod na 23 mga lalawigan:


Camarines Sur, Camarines Norte, Quezon kasama na ang isla ng Polillo, Rizal, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Pangasinan, La Union, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Apayao, Cagayan, Benguet, Kalinga, Aurora, Quirino, Nueva Viscaya, Ifugao, Isabela at Mountain Province.


Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 625 km silangan timog-silangan ng Casiguran, Aurora (14.7°N, 127.7°E).


Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 130 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 160 kph.


Kumikilos pa rin ang bagyo nang pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 19 kph. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Catanduanes signal No. 2; 23 probinsyang signal No. 1, nadagdagan pa


No comments:

Post a Comment