Saturday, April 4, 2015

3 sugatan sa pagsabog sa Zamboanga City

PATULOY na sinisiyasat ng mga awtoridad kung mayroong kaugnayan ang mga rebelled sa naganap na pagsabog ng isang improvised explosive device sa Zamboanga City.


Sa ulat, tatlo ang nasugatan nang sumabog ang IED sa harap ng isang istasyon ng pulis sa Zamboanga City nitong Biyernes ng gabi.


Nabatid sa imbestigasyon, isang improvised explosive device (IED) ang sumabog sa harap ng Ayala police station alas-8:00 ng gabi.


Inilagay umano ang IED sa loob ng isang naka-impound na SUV.


Isinugod sa Zamboanga City Medical Center ang tatlong biktima habang inaalam pa kung mayroong kaugnayan ang grupo ng rebelde sa naganap na pagsabog. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



3 sugatan sa pagsabog sa Zamboanga City


No comments:

Post a Comment