PATAY ang 54-anyos na negosyante matapos aksidenteng mabagok ang ulo at malunod sa Marcos Island-Underwater Cave sa Hundred Islands National Park sa Brgy. Lucap, Alaminos City.
Kinilala ang biktima na si Aquilino Amistaso, ng Dreamland Subdivision, Taguig City.
Nabatid na bago ang aksidente ay nag-unahan pa sa paglundag sa tubig ang biktima kasama ang kaibigang dayuhan nang unang bumagsak ang ulo ng biktima sa bato at mawalan ng malay.
Ilang oras din bago lumutang ang bangkay ng biktima na isa rin sa tinitingnang dahilan ng pagkamatay ang pagkalunod. Gina Roluna
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment