NAKAALERTO na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagdagsa ng mga motorista pabalik sa Metro Manila ngayong araw.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, nakahanda na ang kanilang personnel upang umsasiste sa mga pabalik na sa Metro Manila mula sa iba’t ibang probinsya matapos ang Semana Santa.
Dagdag pa ni Tolentino, may mga tauhan siya na nakahanda upang umalalay sa mga babiyahe pabalik.
Inaasahan ding sisikip ang trapiko mamayang hapon dahil sa tiyak na dami ng mga sasakyan at ganun din ang ginagawang pagsasaayos sa kalsada ng mga trabahador ng Department of Public Works and Highways (DPWH). JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment