NALITSON nang buhay ang dalawang lola nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Bgy. Cahigam sa Rosario, Cavite nitong nakaraang Miyerkules Santo.
Narekober ang sunog na bangkay ng mga biktima na nakilalang sina Librada Lucero, 82, at Aurea Balilia, 86, matapos maapula ang sunog dakong 1:30 a.m.
Sa ulat, nag-umpisa ang sunog pasado 12:30 a.m. sa Bgy. Cahigam, Rosario, Cavite.
Ayon sa mga residente, bago ang insidente ay biglang sumiklab ang apoy sa may kusina ng bahay ng mga biktima.
Dahil kapwa mahina na at malaki na ang apoy, hindi na nakalabas pa sa kanilang nasusunog na bahay ang mga biktima. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment