PATAY ang isang bakasyunista makaraang malunod habang nagkakasiyahan ang mga kaanak nito sa isang resort sa isla ng Boracay.
Kinilala ang biktimang si Alberto Cardona, 64, ng Pasig City, na hindi na umabot nang buhay sa Boracay District Hospital.
Sa report ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), napansin ng mga kaanak ng biktima na hindi na ito lumulutang dahilan para hanapin nila ito sa ilalim ng pool kung saan doon nakitang hindi na ito gumagalaw.
Kaagad itong isinugod sa ospital ngunit hindi na rin umabot nang buhay.
Napag-alamang taong 2002 nang ma-diagnosed itong may sakit sa puso. Maaari umanong inatake sa puso ang biktima habang naliligo dahilan ng kanyang pagkamatay.
Tumanggi ang mga anak ng biktima na isailalim sa autopsy ang labi ng kanilang ama.
Kasalukuyan itong nakalagak sa isang funeral parlor sa Caticlan, Malay at nakatakdang iuwi sa Maynila. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment