SWAK sa kulungan ang isang barangay chairman matapos madakip ng operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) makaraang pagbilhan ng shabu ang isang poseur-buyer sa Eastern Samar nitong nakalipas na Hunyo 2, 2014.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang suspek na si Nestor Cunanan, 49, barangay chairman at residente ng Barangay 3, Guiuan, Eastern Samar.
Ayon sa ulat nitong nakalipas na Hunyo 2, nagsagawa ng buy-bust operation ang operatiba ng PDEA Regional Office 8 (PDEA RO8) sa ilalim ni Atty. Gil Pabilona sa kalapit na barangay ni Cunanan sa Barangay 3 na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.
Nakumpiska sa suspek ang isang piraso ng plastic sachet ng shabu at P1,000 marked money.
Nakapiit si Cunanan sa PDEA RO8 at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165.
The post Kapitan ng barangay sa Samar swak sa shabu appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment