Wednesday, June 4, 2014

Pati mga pari hate na rin ang One Direction

MUKHANG mabubulilyaso talaga ang pinakaabangang concert ng One Direction sa Pilipinas sa darating na March 21 at 22 next year dahil maliban sa Laban ng Pamilyang Pilipino, isang grupo na hayagang kumokontra sa nasabing English-Irish boyband dahil sa pag-leak ng video ng dalawang miyembro nilang sina Louis Tomlinson at Zayn Malik na tsumotsongki ng marijuana, heto’t pati mga kaparian sa Pilipinas ay hate na rin ang bandang ito.


Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Youth executive secretary Fr. Conegundo Garganta, hindi rin siya pabor sa mga singers na ito na pumasok sa ating bansa.

Kaya nanawagan din siya kay Pangulong Pnoy para umakto at i-ban ang mga ito upang hindi matuloy ang two-day concert nila sa 2015.


Pati mga magulang daw ng kabataang Pinoy ay huwag payagan ang kanilang mga anak na manood ng konsyertong ito. At pinangaralan din ni Garganta ang concert organizers na dapat piliin ang mga dayuhang performers na papupuntahin nila sa Pinas.


Naku, siguruhin munang walang magkakaaberya sa inyong panonoorin bago bumili ng ticket na nagkakahalaga pa naman ng P1,150 para sa general admission hanggang P17,950 para naman sa VIP.


Pero ayon naman daw sa mga mang-aawit na ito nang makarating sa kanila ang tungkol sa panawagang pag-ban sa kanila sa Pilipinas, willing daw silang bantayan ng anti-illegal drugs agency ng gobyerno (katulad ng PDEA at iba pang ahensya) habang nagsu-show sila para lamang patunayang hindi na mauulit ang naturang insidente na ginawa ng kanilang dalawang miyembro.


Anyway, ang tatlo pang miyembro ng One Direction ay sina Harry Styles, Niall Horan at Liam Payne.


***


KRIS AQUINO HINDI PABOR SA HAPPY ENDING


PARA sa Queen of All Media na si Kris Aquino, mas nanaisin niya na malapit sa reyalidad ang katapusan ng relasyon nina Monica (Angel Locsin) at Adrian (Jericho Rosales) sa The Legal Wife.


“Ayoko ng happy ending. Gusto ko, reality lang,” ani Kris. “Naniniwala kasi ako na kapag pinulot mo pa ang isang nabasag na relasyon, masusugatan ka. Kaya walisin mo na lang.”


Boom panes dito si Kris dahil mukhang tinatamaan siya sa kuwento nito. Kaya kung ano ang naging ending nila ni James Yap ay gusto niyang ganito rin ang magiging katapusan ng nabanggit na palabas, o gusto lang ni Tetay na magpakatotoo dahil iyon naman talaga ang reyalidad ng isang relasyong winasak ng salawahang partner?


Well, ‘yan ang punto de vista ng queen of all media, ano naman kaya ang masasabi ng TV viewers? Abangan na lamang natin gabi-gabi ang nalalapit na pagtatapos ng palabas na ito.


***


GWEN ZAMORA, NAG-EENJOY SA PAGIGING KONTRABIDA


BAGAMA’T gumanap na siya sa ilang magical characters, itinuturing pa rin ni Gwen Zamora na kakaiba ang role niya bilang Alejandra sa Innamorata. “I’ve never played someone this in love and strong. Gumanap na ako dati ng ilang magical characters pero hindi ‘yung ganitong klase. Alejandra can make things and people fly. She’s insane,” paliwanag ng aktres.


“I’ve played villains before pero hindi ganito kasama. And playing a character from the 30′s makes me have to alter my actions and reactions according to a woman from that era,” dagdag pa niya.


Ibang klaseng kontrabida man ang kanyang ginagampanan sa sa magtatapos na serye, inihayag naman ng aktres kung gaano siya nag-eenjoy. “Masaya na mahirap at the same time. Fun in the sense that I can go crazy during scenes, do things I would never do. At the same time challenging din because it takes a toll on me, being high strung and angry all day makes me go home in tears. But it’s all worth it in the end.”


Nang maitanong kung ano ang pinakamami-miss niya sa Innamorata, ito ang naging sagot ng aktres, “Pinakamamimiss ko talaga ‘yung mga tao because it was the most fun I’ve had on set out of all my other soaps.”


Abangan ang kahihinatnan ng karakter ni Gwen bilang Alejandra sa huling tatlong linggo ng Innamorata na mapapanood tuwing hapon, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Villa Quintana sa Afternoon Prime block ng GMA.


***

For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos!


The post Pati mga pari hate na rin ang One Direction appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pati mga pari hate na rin ang One Direction


No comments:

Post a Comment