Wednesday, June 4, 2014

100 undocumented motorcycle nasamsam sa Oplan Sita

AABOT sa 100 motorsiklo na walang sapat na dokumento ang nasamsam ng operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkakasunod na “Oplan Sita” na isinagawa sa lungsod kaninang madaling-araw, Hunyo 4, 2014.


Ayon kay QCPD Director Police Chief Supt. Richard Albano, ang operasyon ay kaugnay sa lumalalang kaso ng motorcycle riding criminals at mga gumagamit ng mga karnap na motorisklo bilang pangunahing sasakyan.


Sa ulat, sinimulan ang “Oplan Sita” alas-6:00 ng gabi, hanggang alas 6:00 ng umaga kanina at kahapon ng tropa mula sa 12 police station na ang pinakamalaking huli ay ang Batasan Police Station na umabot ng 40 motorsiklo ang nakumpiska.


Naging malaking banta sa seguridad ng lungsod ang riding in-tandem criminals dahil sa halos sunod-sunod na krimeng nagaganap sa lungsod gamit ang motorsiklo.


Samantala, karamihan sa mga nasamsam na mga motorsiklo ay walang kaukulang dokumento tulad ng OR-CR (certificate of registration – official receipt) kung kaya kinumpiska.


The post 100 undocumented motorcycle nasamsam sa Oplan Sita appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



100 undocumented motorcycle nasamsam sa Oplan Sita


No comments:

Post a Comment