Friday, June 6, 2014

BULACAN COMELEC BA O NAKAKOLEK NA?

baletodo HAYAN, tapos ang misyon ng Commission on Elections sa lalawigan ng Laguna. Tanggal na si Gov. ER Ejercito at isusunod naman daw ang kaso ni Manila City Mayor ERAP Estrada. Bahala na ang MalacaƱang attack dogs naman kay Senador Jinggoy Estrada. Ubos sila!


Nang bumaba na si Gov. ER, nagsabi si Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr. na mayroon pa raw dalawang lokal na lider ang tinatrabaho ng kanyang ahensya para masibak din. Ayaw pangalanan pero bulong ni Kakang Come, kalaban pa rin daw ng partido Liberal. Ganoon ba ‘yun 6-2?


Pero teka, Tserman Brillantes, kailan naman ninyo aaksyonan ang RECALL ELECTION ng mga Bulakenyo? Napatunayan na malala ang pang-aabuso ni Bulacan Governor Willy Alvarado sa lahat ng aspeto ng kanyang pamumuno.


Naalala ko nang bumaba sa puwesto si dating Governor Jonjon Mendoza, nag-iwan siya ng mahigit P2 bilyon na pondo sa kaban ng Bulacan. Bayad lahat noon ang utang ng lalawigan at walang utang na iniwan, lalo na sa kapakanan ng mga estudyanteng iskolar ng lalawigan.


Bago pa si Governor Willy, masaya ang mga empleyado ng Kapitolyo. Maaga ang suweldo at tuwing yearend ay masaya silang nakapagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon. Maski ang mga barangay ay busog sa alalay ng kapitolyo sa kamay ni ngayon ay Congressman Jonjon. Busog ang Bulakenyo!


Ngayon, nagrereklamo na pati mga eskuwelahan na pinapasukan ng mga Iskolar ng Lawawigan, partikular ang Bulacan State University, dahil hindi pa sila nababayaran ni Willy Da Al-barado. Wrong spelling yata? Sinadya ko to, barado ang masaganang buhay kasi ng mga Bulakenyo ngayon, eh!


Sa yaman ng Bulacan dahil sa tamang koleksyon ng buwis at tamang paggastos noon, kahit sino ay nagmamalaki sa mabiyaya nilang buhay. Iyan ay noon, noon. Noon.


Ngayon Mr. Collect, este, Comelec, ano pa ang hinihintay ninyo para hindi ipatupad ang hiling ng taumbayan para gawin ang special election? Marami nang kasalanan si Gov. Willy, lalo na ang hindi maipaliwanag na paglaspag sa pondo ng lalawigan.


Naubos ang P2B. Umutang siya noong 2011 ng P1.7 bilyon, ubos din at umutang na naman ngayon ng P300 milyon. Malaki ang utang. Palaging huli ang suweldo ng mga empleyado. Lagutin na iyan!


Ayaw kong maniwala, tserman Sixto na may “pakawala” raw si Willy riyan sa Comelec at naka-KOLEK na raw sila kaya ayaw ninyong aksyunan ang special election. Collected na nga ba kasi?


The post BULACAN COMELEC BA O NAKAKOLEK NA? appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



BULACAN COMELEC BA O NAKAKOLEK NA?


No comments:

Post a Comment