Friday, June 6, 2014

A COMEDIAN’S HARDWORK

PASAPORTE-BY-JR-LANGIT SA Boiler Room sa Singapore ay nakilala ko si Gino Sunga, isang matagumpay na stand-up comedian at world class entertainer doon.


Sa kanyang husay at galing bilang isang performer ay sino nga ba ang hindi maaliw at makalilimot sa problema?


Gaya ng normal na pagkakakilala sa ating mga Pinoy, likas na masayahin at palangiti si Gino at ayon sa kanya, nasa Pilipinas pa lamang siya ay paghahatid na ng ngiti at saya sa kapwa ang pinagkakakitaan niya. I perform almost everywhere like Bar Uno, I’ve also been a part of Punch Line and fun line, maraming-maraming comedy bar na na-performance ko,” panimulang kuwento niya.


Sa katunayan ay minsan na rin siyang umalis ng bansa at nagtrabaho sa Singapore noong dekada 90, kaya nang mabigyan siya muli ng oportunidad na makapag-perform doon ay agad niya itong tinanggap.


Noong una ay nagtatrabaho siya roon, kasama ng isang banda, hanggang sa unti-unting lumawak ang mundo na kanyang napapasok. “I sometimes do choreography help with the choreographers ‘coz we have dancers also during primetime. Of course, we do a lot of show and events and I help the Boiler Room.”


Bago nakamit ang popularidad at tagumpay na kanyang tinatamasa ay marami-rami ring pagsubok na sinuong at kinaharap si Gino, ilan na rito ang malaking kaibahan ng lenguwahe at kultura sa nasabing bansa kung ikukumpara sa ‘Pinas. “To tell you the truth, when I started working here in Singapore, it was very difficult because, you know, if you come from the Philippines then you have to speak English because that’s the language here. They call it Singlish…a combination of Malay, Chinese and Indian with English. Dito, a lot of things are not allowed, although I get away with most things,” paliwanag niya.


Subalit sa lahat ng pinagdaanan niya, isa umano sa pinakamahirap ay ang pagtagumpayan ang kalungkutan na nadarama buhat sa pagkakalayo at matinding pangungulila sa pamilyang nasa Pilipinas. “When you’re working here, you need to be willing to miss your home, go without your family for a long period of time,” may bahid ng kalungkutan na pahayag niya.


Bagaman mahirap, positibong tinanggap ni Gino ang mga hamon na kanyang kinaharap, higit niyang dinoble ang pagsisikap at pagtitiyaga, at sa tinagal-tagal na rin na kanyang pakikipagsapalaran sa bansang Singapore ay marami na rin siyang natutunan tungkol sa buhay.


Naranasan din niyang makasama sa entablado ang ilang sikat na personalidad sa Pilipinas gaya nina Erik Santos at Aiza Seguerra.


Sa ipinamalas na talento, sipag at husay ni Gino Sunga ay nakuha niya hindi lamang ang paghanga kundi maging ang respeto ng mga taga-Singapore. “Singaporeans love the way Filipinos treat their jobs. Very hard working, very dedicated and they don’t mind taking extra hours, and that I think is very common anywhere else in the world because for Filipinos when they are here, they take it as an opportunity,” patapos niyang pahayag.


*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa PTV-4 tuwing Linggo 10:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.


The post A COMEDIAN’S HARDWORK appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



A COMEDIAN’S HARDWORK


No comments:

Post a Comment