Sunday, February 1, 2015

LPA binabantayan ng PAGASA

NAKAALERTO na ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa posibleng pamumuo ng low pressure area (LPA).


Samantala, uulanin ang ilang bahagi ng bansa dahil sa epekto ng pagsasalubong ng easterlies at northeast monsoon o Amihan.


Magiging maulap na may mahinang pag-ulan ang Cagayan Valley, Cordillera, Aurora at Quezon dahil dito.


Makararanas naman ng maulap na may pag-ambon ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng Luzon.


Maulap na may mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pulo-pulong pagkidlat-pagkulog naman ang mararanasan sa Eastern at Central Visayas maging sa CARAGA.


Nakataas ang gale warning sa northern at eastern seaboards ng bansa kaya pinayuhang huwag pumalaot ang mga maliliit na sasakyang pandagat sa Batanes, Babuyan at Calayan group of islands, Ilocos Norte, Cagayan, Isabela, Aurora, Camarines provinces, Quezon Province kasama ang Polillo Island, eastern coast ng Albay at Sorsogon, Samar, Leyte, Siargao Island, Surigao provinces, at Davao Oriental kasama ang Dinagat Islands. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



LPA binabantayan ng PAGASA


No comments:

Post a Comment