UMABOT na sa 50 PNP-Special Action Force (PNP-SAF) ang napatay sa engkuwentro sa Bgy. Tukalinapao at Brgy Inug-og, Mamasapano, Maguindanao ayon mismo kay PNP-Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) OIC regional director S/Supt Noel Armilla.
Nabatid na pinasok ng PNP-SAF ang Bgy. Tukanalipao at Bgy. Inug-og sa Mamasapano para hulihin sana sina Zulkifli Bin Hir alyas Marwan at Kumander Basit Usman ng Jemmaah Islamiyah terrorist group na kapwa may patong sa ulo na $5 milyon.
Ngunit biglang nakasagupa ng PNP-SAF sa Brgy. Tukanalipao ang mga myembro ng 105th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at mga tauhan naman ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Brgy Inug-og.
Sinasabing kabilang sa napatay sa elite force ng PNP ang mga opisyal na may ranggong lieutenant, captain, police major at isang colonel (superintendent). Gina Roluna
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment