Wednesday, January 28, 2015

Tensyon sa Mamasapano, uminit pa

LALO pang naging maaksyon sa Mamasapano town sa Maguindanao, nang magdagdag pa ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ng kani-kanilang puwersa sa lugar.


Ang nasabing hakbang ay bilang paghahanda sa paglalatag ng hot-pursuit operation laban sa mga bandidong sangkot sa madugong bakbakan noong nakaraang Linggo na ikinamatay ng 44 na miyembro ng Special Action Force ng Phillippine National Police (PNP-SAF).


Pero ayon kay Brigadier General Carlito Galvez ng Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities, binawi na ang military at police forces sa Bgy. Tukanalipao, na pinangyarihan ng isang mahabang araw na bakbakan. Inalis na rin ang checkpoints sa exit at point of entry sa lugar.


Gumagalaw na ang komite para makausap agad ang MILF commanders, at sabihing huwag na lang magdadag ng kanilang puwersa para ang pangamba ay hindi kumalat sa ibang parte ng Maguindanao.


Hiniling din sa lider ng naturang grupo na initindihin ang sitwasyon at pakalmahin ang kanilang miyembro na nawalan ng mahal sa buhay sa sagupaan.


Nabatid din na wala pang inilalatag na hakbang ang pamahalaan hinggil sa insidente. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Tensyon sa Mamasapano, uminit pa


No comments:

Post a Comment