Tuesday, January 27, 2015

National Day of Mourning, kinukonsidera ng Palasyo

KINUKONSIDERA ng Malakanyang na ideklara ang National day of Mourning bilang pagpapahayag ng pagdalamhati sa pagkamatay ng 44 miyembro ng PNP-SAF matapos maka-engkwentro ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano, Maguindanao.


Isa ito sa mga opsyon na pinag-aaralan ngayon ng pinagsanib na puwersa ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga namatay sa Mamasapano clash.


“The President has instructed the DILG and PNP to study all options to honor the fallen heroes of the Mamapasano incident,” anito.


Nauna rito, ipinag-utos naman ni AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang, Jr. ang paglalagay sa half mast ng bandila ng Pilipinas sa lahat ng kampo ng militar sa buong bansa.


“We mourn, the loss of these brave policemen who paid the ultimate sacrifice while fighting for our country. They fought heroically and they have not died in vain,” ani Catapang.


Limang araw na naka-half mast ang bandila sa lahat ng kampo ng military sa bansa na nagsimula na kanina. KRIS JOSE


.. Continue: Remate.ph (source)



National Day of Mourning, kinukonsidera ng Palasyo


No comments:

Post a Comment