PINAGDEDEKLARA na ng mga kongresista sa administrasyong Aquino ang National Day of Mourning para sa 44 na pulis na napatay sa Mamasapano, Maguindanao sa magkasamang pwersa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF)at Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF).
Sa isang press conference, nanawagan ang mga kongresistang dating kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippines National Police (PNP) na magdeklara ng pambansang pakikidalamhati sa pamilya ng mga nasawing miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF).
Pinangunahan nina Pangasinan Rep. Leopoldo Bataoil, ACT-CIS Partylist Rep. Samuel Pagdilao, Magdalo Partylist Reps. Gary Alejano at Ashley Francisco Acedillo at maging si Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian ang panawagan.
“The highest honor that the Aquino administration can bestow on these gallant police officers is to declare a national day of mourning and to raise the Philippine flag at half mast in all government offices as well as public schools,” ayon kay Gatchalian.
Ipinarerepaso na rin ni Gatchalian sa administrasyong Aquino ang pagpasok nito sa pakikipagkasundo sa MILF matapos ang madugong enkwentro.
Malaking kuwestyon para kay Gatchalian na naganap ang sagupaan kung saan may umiiral na peace talk at kasalukuyang nasa deliberasyon sa Kamara ang Bangsamoro Basic Law.
Hinimok din ni Alejano at Acedillo ang liderato ng Kamara na iurong ang itinakdang deadline sa pagpapasa ng BBL hanggang sa mailatag ang malilinaw na alituntunin sa magkabilang panig. MELIZA MALUNTAG
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment