Monday, January 26, 2015

INUTIL ANG HISTORICAL COMMISSION

NATATANDAAN niyo pa ba itong Admiral’s Guest House sa Subic Bay Freeport na makailang ulit na nating isinusulat sa kolum na ito dahil napakaraming bagay rito na kapuna-puna at kaduda-duda?


Ito Ang Totoo: nakuha ito ng pamilya Gordon-Lorenzana sa pamamagitan ng prenteng Olongapo City Arts Council Restoration, Inc. (OCACRI) noong nakaraang administrasyon ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa ilalim ni Administrator Armand Arreza.


Naging direktor noon nang SBMA si Jimmy Lorenzana, anak ni Veronica na ate nina Olongapo ex-mayor Bong Gordon at ex-senador Dick Gordon.


Dating ospital, naging bahay ng mga Admiral ng U.S. Navy sa Subic, Guest House at saka function house nang SBMA matapos lumisan ang mga Amerikano, kaya “historical” ang Admiral’s Guest House na nakatayo na bago pa ang panahon ng Hapon.


Inutil kasi ang National Historical Commission o takot ang mga miyembro nito marahil sa mga Gordon ay wala itong ginawa hanggang sa ngayon sa paggiba ng OCACRI sa Admiral’s Guest House na tinayuan ng hotel at restaurant.


Ito Ang Totoo: sa kabila nang napakarami ang gustong umupa sa Admiral’s Guest House para pagnegosyohan, hindi ito ibinigay dahil sa “historical” o makasaysayan nga.


Pero noong sina Gordon-Lorenzana, walang-histo-historical, hindi lamang ibinigay ng walang upa, pinayagan pang ito ay gibain na. At sa halip na buwanang upa, nakipagkasundo si Arreza kina Gordon-Lorenzana na limang porsyento lang ng kita ang mapupunta sa SBMA.


Ang masaklap, walang aktibidad halos sa itinayo nina Gordon-Lorenzana kaya pitong buwan buhat nang magbukas umano ito, P37,383.50 lang ang na-share ng SBMA gayung nakatirik ito sa halos isang ektaryang lupain at gusali na dinagdagan pa ng mahigit isang ektaryang “Tappan Park” na historical din bilang dating plaza ng Olongapo bago ito sinakop ng base militar ng Amerikano.


Ito Ang Totoo: binalikan natin ito dahil wala pa rin ginagawa kaugnay nito ang National Historical Commission.


At eto pa: ang kapal talaga nina Gordon-Lorenzana na latagan ng bakal at lubid ang Waterfront Road sa tapat nito bilang pagbabawal sa parking dito.


Tutal, mabilis ding magbigay ng “notice of pre-termination” si SBMA Deputy Administrator Randy Escolango, baka ito pwede na niyang kandidato? Ito Ang Totoo! ITO ANG TOTOO/VIC VIZCOCHO, JR.


.. Continue: Remate.ph (source)



INUTIL ANG HISTORICAL COMMISSION


No comments:

Post a Comment