MAKIKITA sa mga larawan na naka-post sa isang blogsite na tinutulungan ng ilang kalalakihan si Ms. Stella Marquez Araneta na makabangon sa pagkakaluhod nito pagkatapos na matisod daw ito dahil sa pagmamadaling makalabas ng venue ng 63rd Miss Universe papunta sa sasakyan nito na naka-park sa likod ng gusali. Pinatunayan nang nagpadala ng larawan na kitang-kita raw nito ang pangyayari kaya kinunan niya ito. Pero ang nasabing mga litrato ay hindi naman tuwirang nakita ang mukha ni Madam dahil nakatagilid at nakatalikod ang mga shots.
Bago ito, sa loob ng tanghalan ay nagkaroon daw muna nang sigawan. Sinigawan daw ni Madam si Mary Jean Lastimosa dahil ayaw nitong isuot ang gown na gawa ng Colombian designer na kababayan ng una. Ang gusto raw kasi ni MJ ay ‘yong gawa ng Filipino designer na nagnagngalang Leo Almodal. Nakahanda na raw ito na isusuot niya sa finals pero ayaw nga ni Ms. Araneta.
Kaya feeling ng netizen nanghina ang huli dahil sa pangyayaring iyon at natalo pa ang kandidata natin kaya mas lalo itong nawalan nang lakas. So, nang patungo na ito sa kanyang sasakyan at dahil may kalayuan ang parking area kaya hayun kinapos si Madam sa pagtakas. Hehehe!
***
DREAM HOUSE NI JOEL CRUZ TAMPOK SA POWERHOUSE NGAYONG MIYERKULES
Maaga raw niyang natutunan ang kahalagan ng pera. High school pa lang siya ay magaling na siyang mag-ipon at mahilig magbenta ng kung anu-ano hanggang suwertehin sa negosyo ng pabango. Nagbunga naman ang kanyang pagpupursige dahil nakapagpundar na siya ng kanyang mga dream house. Ngayong Miyerkules sa Powerhouse, alamin ang tagumpay ng negosyanteng si Joel Cruz.
Ginto ang tema ng condo unit ni Joel. Naging inspirasyon daw niya sa kanyang tahanan ang Burj Al Arab Hotel sa Dubai. Isang kakaibang fountain ang makikita rito kung saan pabango ang dumadaloy sa halip na tubig.
Ang kanyang mansyon naman sa Tagaytay ay may limang palapag at mala-hotel ang tema. May sariling lobby area ito at may isang digital fireplace. Mayroon ding scenic elevator na nagkakahalaga ng P1.4-milyon, tanaw dito ang view ng probinsya. Nagpagawa rin siya ng swimming pool na hugis bote ng pabango at isang tile-mosaic ng kanyang mukha na makikita sa harapan ng bahay.
Sa Baguio naman nagpatayo ng kanyang pangalawang mansyon si Joel. Puno ito ng salamin at ang bawat palapag nito ay pinagdurugtong ng engrandeng winding staircase. Mamahalin ang lahat ng gamit sa kanyang bahay.
Sa katanuyan, nakakalula ang presyo ng kanyang sofa na nagkakahalaga ng 1.2-milyon.
Sa tinatamasa niyang karangyaan at tagumpay, ano ang sikreto at kakaibang istilo niya sa negosyo?
Huwag palalampasin ang kwento ng buhay at bahay ni Joel Cruz ngayong Miyerkules sa Powerhouse, 4:35 ng hapon sa GMA 7.
***
For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/ABE PAULITE
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment