KATATAPOS lang pumirma ng kontrata si Sancho sa GMA-7 at sa pagpasok ng kanyang panganay na anak kay Miguel Vera ay lumalabas ngayon ang kanyang pagiging stage mother dahil as this early, ayaw nitong maging komedyante ang anak. Aniya, alam nitong gusto ng anak na mag-comedy pero ayaw nitong sundan ang kanyang yapak. “Siyempre, may pinagmanahan din ‘yan pero gusto magiging saliwa kami, ako sa comedy, siya naman sa drama para maiba naman.”
Sa pagpasok ng anak sa showbiz ay hindi siya nagkulang ng pangaral dahil katulad niya, hindi maipagkaila na marami siyang ups and downs. “Palagi mong tandaan, parati mong rerespetuhin ang mga tao sa paligid mo lalo na ang mga senior stars kasi iba’ yung nirerespeto mo sila.”
Masaya ang interbyuhan, naiba lang nang may isang reporter ang nagtanong tungkol sa latest happening sa lovelife nito sa kanyang Papa Bagets. “Si Papa Richard na lang ang pag-uusapan natin kasi siya naman ang kasama ko sa show. Remember, ako ang kanyang naging first leading lady noon sa (My) Binondo Girl. At ako, ako ang kanyang unang naka-lips-to-lips doon sa soap.”
Ngayong Valentine’s Day ay muling magkasama ang dalawa sa ‘Ai Heart Papa’ at pag-uusapan nila ang kanilang love story sa nasabing soap na bida si Kim Chiu sa pamamagitan ng pagkanta ng isang Chinese love song entitled Yue Liang Dai Biao Wo De Xin. Malaking event ang nasabing concert sa karir ng komedyana dahil ito ang kick-off sa kanyang ika-25 years sa showbiz at magtatapos ito sa pamamagitan ng isa pang major concert sa November 14 na gaganapin sa SM MOA Arena, handog ng Showbiz Mansion Entertainment. Maliban kay Richard, makakasama din ni Ai-Ai ang G-Force Dancers, Becky Belo, Ms Faith Cuneta at Club DJ David Ardiente with Homer Flores (Musical Director), Ricky Lopez (Writer) and to be directed by GB Sampedro.
Physically fit si Ai-Ai nowadays dahil pinaghandaan niya talaga ang kanyang concert. Aniya, gusto niyang magsimula uli at gawin uli ang kanyang unang pag-ibig, ang mag-show o mag-concert. Kung siya ang masusunod, puro concert muna ang kanyang gagawin pero may nakahanda siyang pelikula para sa darating na Metro Manila Film Festival 2015.
PAPA JACK, NANINIKIP ANG DIBDIB PAGKATAPOS PAGALITAN SA ERE ANG KANYANG MGA CALLERS
Walang alam ang mga kasamahan ni Papa Jack sa radio show nito sa Love Radio na umiiyak pala ang sikat na disc jockey sa isang sulok pagkatapos ng kanyang programa. Nagpapatunay lamang na sa likod ng kanyang pagtataray sa kanyang mga callers ay tao rin pala ito, may puso at damdamin dahil siya mismo ang umamin na hindi nito napipigilan ang mapaluha pagkatapos nitong pagalitan ang kanyang caller who seeks for love advice sa kanyang radio program sa Love Radio. Tagos sa puso ang mga problema ng kanyang mga caller dahil straight from the heart ang pinagsasabi ng mga ito. Gustuhin man nitong hindi magalit pero may mga callers na mahirap umintindi sa payong ibinibigay nito kaya he ended-up crying.
Nagsimula na noong Sabado, January 24, ang ‘Call Me … Papa Jack, isang one-hour TV show over TV5 at 10pm. Tiyak mamumukhaan na siya ng kanyang mga listeners sa radio at ngayon sa TV. Pwedeng isipin na kung noon ay wala pa siyang na encounter na listener sa mall or any public place para murahin o awayin, pero ngayong napanonood na siya ay nakahanda na siya sa anumang mangyari. “I will say sorry for what happened. Gusto ko lang magpakatotoo at ayaw kong maging plastik sa nararamdaman ko pero I tried my best na kung ano man ang nasabi ko sa kanila on air ay pinag-aralan ko ‘yun,’ he admits.
Nasa kanyang listahan ng mga celebrity guests ay kinabibilangan nina Julia Clarete, Mark Tupaz, Valen Montenegro, Ynah Asistio, Bianca King at Vice Mayor Isko Moreno. Marami pa silang kukumbidahin at ang pinakagusto nitong maging guest ay si Sen. Meriam Defensor na kanyang iniidolo dahil sa kagalingan nito sa pagsasalita. Well, goodluck Papa Jack! PAISTARRR/ALEX DATU
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment