Tuesday, December 23, 2014

2 utas sa aksidente sa Ilocos Sur

CANDON, ILOCOS SUR – Dalawang lalaki ang patay matapos masagasaan at tumilapon sa sinasakyang tricycle matapos mabangga ng pampasaherong bus sa nasabing lugar kahapon, December 23.


Kinilala ang dalawang biktima na sina Rogelio Agrisola at Christopher Garcia, kapwa ng nasabing bayan.


Sa imbestigasyon, sakay ang mga biktima ng tricycle nang suwagin sila ng bus sa likod.


Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang dalawang biktima ilang metro mula sa pinagyarihan.


Kapwa nagtamo ng matinding mga gasgas sa ulo at mga bali sa kanilang katawan ang mga biktima na sanhi na kanilang pagkamatay. ALLAN BERGONIA


.. Continue: Remate.ph (source)



2 utas sa aksidente sa Ilocos Sur


No comments:

Post a Comment