Sunday, November 23, 2014

Trike driver dakip sa pagtangay ng paslit

NASAKOTE ang isang tricycle driver matapos tangayin ang apat na taong gulang na bata sa lungsod ng Lucena.


Sa ulat, sumakay ang ina ng biktima kasama ang kanyang anak sa isang tricycle papuntang Bgy. Ibabang Iyam sa nasabing bayan.


Nang makarating sa kanilang destinasyon, inabot ng ina ang bayad subalit hindi ito tinanggap ng driver na si Ricky Palermo, 38, dahil wala umanong panukli.


Nang bumaba ang ina sa tricycle upang ipabarya ang kanyang pera, bigla na lamang pinaharurot ng driver ang sasakyan dala ang bata.


Agad namang na humingi ng tulong ang ina sa mga awtoridad.


Naabutan ng mga humabol ang sasakyan at nakuha ang bata na labis-labis ang naranasang takot sa pangyayari. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Trike driver dakip sa pagtangay ng paslit


No comments:

Post a Comment