Wednesday, October 1, 2014

Pagdinig sa Makati parking building, ipinahihinto

IPINATITIGIL na ng kampo ni Vice-President Jejomar Binay ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Sub-Committee hinggil sa umano’y overpriced na pagpapatayo ng Makati City Hall Annex Parking Building.


Kasunod ito ng inihaing jurisdictional challenge ng Pangalawang Pangulo na kumukuwestyon sa Sub-Committee ng Blue Ribbon na gumawa ng pinal na desisyon hinggil sa ginagawa nilang imbestigasyon.


Ayon kay Atty. Claro Certeza, abogado ni Binay, malinaw ang isinasaad ng Section 3 ng rules ng komite na dapat ang Blue Ribbon Committee sa kabuuan ang siyang dapat magpasya sa usapin at hindi ang isang Sub-Committee.


Nauna nang ibinasura ni Senador Koko Pimentel ang jurisdictional challenge na inihain ng Pangalawang Pangulo at sinabing saklaw ng Sub-Committee ang usapin at may kapangyarihan silang magpasya hinggil dito. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagdinig sa Makati parking building, ipinahihinto


No comments:

Post a Comment