NAGKAHIWALAY ang aktres at partner nito dahil sa ginawa ng una. Pumunta lang ng abroad ang huli, nakipag-chorvahan na sa iba ang hitad. May dalawang buwan na silang hiwalay ngayon.
Sabi sa kwento, naglibang-libang daw itong maputing aktres habang wala ang kanyang papa. Pumunta ito sa isang party. May nakilala itong guwaping na guy na kaibigan ng isang male celebrity na sumisikat.
Nagkayayaan daw sa nasabing okasyon na magkaroon ng isang game. At parte raw ng laro ay ang maghalikan sa madilim na kuwarto para hindi makilala kung sino ang nakahalikan para nga may thrill.
Sa sobrang kalasingan daw nitong si beauty-ing aktres, hindi na niya alam na ipinartner na pala silang nung guy na magkatukaan sa madilim na room. Nang magsimula na ang game nangyari nga ang ‘kissing scene in the dark’. Pagkatapos daw ng eksena at pareho na silang naghiwalay, nagtanong daw si aktres kung guwapo ang naka-lips-to-lips niya. Pangiti-ngiti lang daw si lalaki dahil alam nitong ang lekat ang nayari niya.
Pagkatapos daw ng party ay dinala ng guwapong lalaki ang lasing na aktres sa bahay nito at sila’y nachorvahan hanggang umaga. Ang sabi pa raw ng mainit sa sex na aktres, wala lang daw ang nangyari sa kanila, wala raw seryosohan. Tikiman lang.
At palibhasa parehong sexually attracted sa isa’t isa, naulit daw nang naulit ang syongkangan. Mismong ang kilalang aktres na ang pumupunta umano sa condo unit ng guy para ‘magkaigihan’ sila.
Ang masaklap, panay daw ang patonting ng aktres gayong on pa sila ng kanyang original partner. Giatay!
Ang aktres ay dati nang may istoryang ganito. Dahil sa sobrang pag-iinom ng agua de pataranta, nabiktima siya noon isang aktor at pagkatapos nang nangyari sa kanila ay itinanggi siya. Marami raw nakalaway dito kaya hindi niya ito papatusin.
***
TONI, MARAMING ‘PASABOG’
Handa na ang lahat ng pasasabuging sorpresa ng Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga para sa kanyang inaabangang “Celestine” concert na gaganapin na ngayong Biyernes (Oktubre 3) sa Mall of Asia (MOA) Arena.
“Ang concert ko ay magiging celebration ng aking 15 taon sa industriya at sinisiguro po naming bibigyan po namin kayo ng bago — ng certified ‘Celestine experience’ na ipapakita ang kung ano ako noon, ngayon at kung ano’ng magiging ako sa future,” pahayag ni Toni kaugnay ng kanyang concert na ang titulo ay isinunod sa kanyang pangalan sa totoong buhay na Celestine.
Bukod sa kanyang mga awitin, may performances rin si Toni na tampok ang iba’t ibang sikat na local at international hits.
Kasama ni Toni sa kanyang concert ang dance group na G-Force, “The Voice of the Philippines” finalist na si Paolo Onesa, Richard Yap, Vice Ganda at ang kanyang kapatid na si Alex.
Ang “Celestine” ay sa ilalim ng musical direction ni Homer Flores at stage direction ni Paolo Valenciano.
Mabibili pa rin ang tickets sa “Celestine” sa mga outlet ng SM Tickets sa buong bansa at sa www.smtickets.com.
Para sa karagdagang impormasyon kaugnay “Celestine,” bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records na http://ift.tt/1jbqhU9 o i-follow ang @starrecordsph sa Twitter.
***
MELISSA MENDEZ, TINAWAG NA DEMONYO NG GF NI FABIO IDE
Matindi ang nagaganap na word war kina Melissa Mendez at sa anak nitong si Denisse Oca laban sa girlfriend ni Fabio Ide na nagngangalang Michelle Pamintuan.
Ang pinag-aawayan nila ay ang anak ni Fabio kay Denisse. Ipinakiusap daw nitong si Michelle na huwag nang i-post sa social media ang nangyaring binyag sa bata kung saan dinaluhan ito ng tatay. Hanggang ngayon yata kasi ang nag-iilusyon itong syota ngayon ng Brazilian hunk model na hindi pa alam ng lahat na may anak ang boyfriend niya sa anak ni Melissa na ang una ngang napagbintangang ama ay si Phil Younghusband.
Eh, proud lola si Melissa Mendez kaya buong ningning na inilagay nito sa Instagram ang mga litrato na kuha sa binyag kaya nag-init ang ulo ni Pamintuan.
Mabuti naman at nagpakaama itong si Ide, so ano pa nga ba ang ginagawa niya, e, ‘di tinalakan daw itong present girl niya at ipinagtanggol ang beteranang aktres, ang anak niya at ina nitong si Oca.
E, ‘di nabaliw-baliw lalo ang palengkerang girl. Kung tumahimik na lang siya, hindi pa siya napahiya.
‘Yun na!
***
For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/ABE PAULITE
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment