Thursday, September 25, 2014

Tropical Storm Kammuri, ‘di makapapasok sa PAR – PAGASA

IPINAHAYAG ng PAGASA na malabong makapasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical storm Kammuri na nagbabadaya sa Japan.


Sinabi ni PAGASA weather forecaster Fernando Cada na ang Bagyong Mario, na pumatay ng halos 20 ang huling bagyo sa bansa ngayong Setyembre.


Hindi na rin nakaaapekto sa bansa ang ridge of high pressure area (HPA) lalo’t nasa hilagang bahagi na ito ng bansa.


Gayunman, magpapatuloy ang epekto ng Habagat dahil sa hatak ng bagyo sa labas ng PAR.


Magdudulot ito ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Northern Mindanao, Caraga, Zamboanga Peninsula at Western Visayas. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Tropical Storm Kammuri, ‘di makapapasok sa PAR – PAGASA


No comments:

Post a Comment