Friday, September 26, 2014

Pagtakbo ni Roxas bilang pangulo, haka-haka lang

HINDI pa tiyak sa ngayon kung si Interior and Local Government Sec. Mar Roxas na ang magiging presidential election bet ng Liberal Party (LP).


Ani Presidential spokesman Edwin Lacierda, hangga’t hindi inaanunsyo mismo ni Pangulong Benigno Aquino III ang pangalan ni Sec. Roxas na siya na nga ang standard bearer ng LP ay mananatiling haka-haka lamang ang lahat.


Sa ulat, may ilang sektor na ang humiling kay Sec. Roxas na magbitiw sa puwesto para hindi nito magamit ang kanyang posisyon para maging mabango sa taumbayan.


“Hindi pa ho nag-aannounce si Pangulong Aquino. Hintayin na lang po natin kung sino ang kanyang iaanunsyo. It’s really… Secretary Mar Roxas has been focused in his work and in his job as the DILG (Department of Interior and Local Government),” anito.


Aniya, maraming mga salitang naglalabasan hinggil sa kung sino ang magiging manok ng Pangulong Aquino sa ilalim ng LP party subalit hanggang ngayon ay tikom ang bibig ng Chief Executive sa bagay na ito.


“Number one, the President also has not spoken on his preferred choice. So, let’s just wait for the time that the President would decide to endorse or to choose who his candidate would be for the presidential elections,” ang pahayag ng opisyal.


Sa ngayon ay wala pa aniyang balak si Pangulong Aquino na ianunsyo ang kanyang “manok” sa pangambang hindi ito makapag-focus sa kanyang trabaho at ituon na lamang ang pansin sa maagang pangangampanya.


“Baka kuyugin kaagad ‘pag lumabas ‘yung pangalan. So the President just wants this time to really focus on governance and that’s I think the role of each and every government employees to really focus on governance right now. At the proper time the President will make a decision and will announce his decision,” ayon kay Sec. Lacierda.


Sa ulat, tila kinumpirma ni Senate President Franklin Drilon, chairman ng LP na si Sec. Roxas na ang magiging standard bearer ng kanilang partido. KRIS JOSE


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagtakbo ni Roxas bilang pangulo, haka-haka lang


No comments:

Post a Comment