PATAY ang isang kasapi ng CAFGU habang kritikal naman ang isang backrider nito matapos mabangga ang sinasakyan nilang motosiklo sa nakasalubong na pampasaherong van sa highway ng Bgy. Cabunbata, Isabela City, Basilan.
Sa ulat ng pulisya, binawian agad ng buhay ang biktimang si Iyusop Indaka, 30, dahil sa mga sugat na tinamo nito sa ulo at katawan.
Ang backrider na si Faisal Indaka, 28, ay inilipat sa ospital sa Zamboanga City dahil sa maselan nitong kalagayan.
Nabatid na sumalpok ang motorsiklo ng mga biktima sa pampasaherong van na minamaneho ng isang Alzaner Irada Mohammad, 25.
Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon ang mga biktima ng ilang metro at napunta rin sa gilid ng kalsada ang naturang van dahil sinubukan pa nitong umiwas sa aksidente.
Parehong nagtamo ng sira ang dalawang nagsalpukang sasakyan.
Nagtamo rin ng sugat sa katawan ang driver ng van pero pagkatapos malapatan ng lunas ay dinala agad siya sa police station at ikinulong. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment