MISTULANG daing na isda ang ginawa sa anim na fetus na natagpuang nakabilad sa ibabaw ng nakaparadang tricycle sa Caloocan City kaninang umaga, Setyembre 26.
Nabatid kay Senior Insp., Arturo Dela Cruz, commander ng Sub-Station 2, alas-11 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag na may anim na fetus na nakabilad sa ibabaw ng tricycle na nakaparada sa Purok 5, Kawal, Bgy. 28, Dagat-dagatan ng lungsod.
Nang respondehan ay nakita ang mga fetus na nasa iba’t ibang buwan habang nakabilad sa araw at nasasapinan ng karton.
Malaki ang paniniwala ni Dela Cruz na may naglalaglag ng mga fetus sa nasabing lugar o sa kalapit na barangay kung saan inaalam na ng una kung sino ang nag-iwan ng mga fetus na dinala na sa Saint Marc Funeral Homes. RENE MANAHAN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment