Wednesday, August 6, 2014

Yolanda survivor na nag-top sa CPA board, binigyang-pugay

KINILALA ngayon ng Kamara ang bagyong Yolanda survivor na naging topnotcher sa Certified Public Accountant (CPA) board exams.


Isang resolusyon ang inihain ng Independent Minority Bloc sa pangunguna ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romouldez at nakasaad dito na hindi naging hadlang ang hirap na dinanas matapos manalasa ang bagyong Yolanda para tapusin ni Rommel Rhino Edusma, 25, ang kanyang pag-aaral ng kursong accounting sa Asian Development College Foundation (ADCF) sa Tacloban City.


Si Rhino ay pang-anim sa 10 magkakapatid kung saan ang ama nito ay isang retiradong sundalo at isang simpleng maybahay ang kanyang ina na may sakit sa puso subalit nagpatuloy pa rin ito sa kanyang pagre-review sa Maynila upang makapasa sa accounting board exams.


Hindi lamang ang pagpasa sa CPA board exams noong nakaraang Hulyo ang labis na ipinagpupunyagi ni Romualdez na siyang nakasasakop sa Tacloban, kundi higit sa lahat, nanguna pa si Rommel sa naturang board exams na may gradong 94.57%.


Bagama’t dumanas ng hirap ay mas gugustuhin pa rin ni Rommel na bumalik sa Tacloban upang dito maituro sa kanyang paaralang ADFC ang kanyang nalalaman bilang bayad na rin sa kanyang mga naging guro bago pumasok sa accounting firm.


Bahagi ng resolusyon ay nakasaad na “that the House of Representatives honor Rommel Rhino Edusma of the Asian Development College Foundation in Tacloban City for his trailblazing achievement of topping the recent CPA Examinations despite the sufferings he had endured after surviving the onslaught of typhoon ‘Yolanda’ and for the immeasurable inspiration and hope for a better life which has given to survivors of the calamity.”


Kabilang sa lumagda sa resolusyon sina Reps. Gloria Macapagal-Arroyo (Pampanga), Lani Mercado-Revilla (Cavite); Diosdado M. Arroyo (Camarines Sur), Lito Atienza, Jr. (BUHAY Partylist) Jonathan Dela Cruz (ABAKADA Partylist), Victor Francisco Ortega (La Union), Philip Pichay (Surigao Sur), Aleta Suarez (Quezon), Toby Tiangco (Navotas) at Arthur Yap (Bohol). Meliza Maluntag


.. Continue: Remate.ph (source)



Yolanda survivor na nag-top sa CPA board, binigyang-pugay


No comments:

Post a Comment