Monday, August 4, 2014

SABLAY NA ANG KONSEHAL NG SUBIC AT PULIS-OLONGAPO

GINAGAMIT ng isang negosyante ang kanyang pagiging konsehal ng bayan sa panggigipit sa mga pribadong kompanya sa bayan ng Subic.


Ito ang Totoo: si Mayor Jay Khonghun kapag may hiniling sa mga kompanyang may negosyo sa kanyang bayan, hindi pansarili kundi para sa mamamayan, tulad ng mga senior citizen, kababaihan, kabataan, may kapansanan, dukha o biktima ng trahedya.


Pero itong si konsehal, walang pakundangan kung gamitin ang kanyang posisyon sa pakikitungo sa mga kompanya na kanyang katransaksyon sa naturang bayan, sukdulang idikta ang kondisyon at kung magkano ang gusto niyang kita.


Ultimo sa bayaran, gusto niya siya ay inuuna kahit kung magsumite ng report o “billing” ay kulang-kulang o wala sa takdang panahon.


Wala siyang pakialam kahit ang naturang mga kompanya ay nagbibigay ng trabaho at nagpapasok ng sandamakmak na pera sa kaban ng bayan ng Subic sa pamamagitan ng buwis, ang paki lang niya ay ang perang papasok sa sarili niyang bulsa para siya yumaman.


Tama po ba Interior & Local Gov’t Secretary Mar Roxas na ang isang opisyal ng bayan ay ginagamit ang puwesto sa gobyerno para magnegosyo sa mga kompanyang sakop ng kapangyarihan nito?


Daig pa ng konsehal na ito ang may mas matataas na pwesto sa kanya kaya napapanahon na suhetuhin na ito ni Mayor Khonghun para hindi na pamarisan ng mga kapwa niya miyembro ng konseho.


Pati ugali nitong pag-squat sa lupa ng may lupa ay hindi dapat inaasal ng isang halal na opisyal, talaga lang may kalokohan ang ugali nitong konsehal na dapat sana ay lingkod ng bayan.


Tingnan natin ang magiging aksyon sa kanya ni Mayor Khonghun at ni Sec. Roxas.


***

INIREREKLAMO sa atin ang ilang pulis na nakatalaga sa Police Clearance section ng Olongapo City Police Office (OCPO) dahil umano sa pagkuha ng cellphone number at pagte-text sa mga babaeng kumukuha ng clearance.


Akala yata ng mga hinayupak na pulis na ito na napakapogi nila o kaya lahat ng babae ay puta.


Siguro naman hindi kukunsintihin ni OCPO OIC Sr. Supt. Pedro delos Reyes ang kanyang mga tauhan na ginagamit pa ang kanilang tungkulin at opisina sa kanilang kamanyakan. Ito Ang Totoo! ITO ANG TOTOO/Vic V. Vizcocho, Jr.


.. Continue: Remate.ph (source)



SABLAY NA ANG KONSEHAL NG SUBIC AT PULIS-OLONGAPO


No comments:

Post a Comment