Wednesday, August 6, 2014

OWWA ipatatawag sa Senado

INALMAHAN ng bagitong solon ang ulat na hindi natatanggap ang mga benepisyo ng Overseas Filipino Workers ( OFWs ) na bumabalik ng bansa mula sa Libya.


Dahil dito, iginiit ni Sen. JV Ejercito na paimbestigahan ito at pag-aralan kung ano ang nangyari.


Aniya, ang OFWs ang itinuturing na bagong mga bayani dahil sa kontribusyon nito sa ekonomiya ng bansa.


Malaki aniya ang utang na loob ng pamahalaan sa OFWs kaya hindi dapat pinahihirapan pa sa pabalik-balik sa tanggapan ng OWWA para kunin ang kanilang mga benepisyo.


” Dapat masiguro ng pamahalaan ang kanilang welfare , kundisyon at kalagayan ay laging pangangalagaan. Sila ang bumubuhay sa ating ekonomiya tapos nakakaawa naman napapabayaan,” aniya. Linda Bohol


.. Continue: Remate.ph (source)



OWWA ipatatawag sa Senado


No comments:

Post a Comment