NAPISAK ang 5-anyos na babae makaraang masagasaan ng tanker malapit sa kanilang bahay sa Caniogan, Pasig City.
Ayon sa mga nakasaksi, naglalaro ang biktimang si Jowielyn Virania sa harap ng bahay ng kapitbahay nang biglang umandar ang nakaparadang tanker na nagde-deliver ng gasolina sa katapat na gasolinahan.
Ayon naman sa gasoline boy na kinilalang si Ronnie Sarenas, kinuha ng driver ang kalso ng tanker nang maidiskarga na ang laman ng tanker ngunit bigla na lang umandar ang sasakyan papunta sa bahay at inararo ang mga batang noo’y naglalaro sa tapat.
Tinangka pang pahintuin ng driver ang sasakyan na kinilalang si Junval Merele ngunit hindi na nito kinaya pa.
Nagulungan ang bata at namatay, habang sugatan ang tatlo pa niyang kaanak at kapitbahay.
Agad dinala sa police station ang drayber na pinagbubugbog umano ng mga residente dahil sa nangyari.
Plano ng pamilya na magsampa ng kaso sabay hingi ng sustento sa mga gastusin sa libing ng nag-iisang anak ng mag-asawa. Marjorie Dacoro
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment