PATAY ang 46-anyos na magsasaka matapos masawi dahil sa leptospirosis sa bayan ng Asingan, Pangasinan.
Kinilala ang biktimang si Noel Peralta, ng Bgy. Cabalaitan, nabanggit na bayan.
Nabatid na nasugatan ang biktima dahil sa kuhol nang magtungo sa kanyang sakahan ilang araw na ang nakalilipas.
Ngunit dahil sa kinakitaan ito ng sintomas ng sakit tulad ng pamumula ng mata at pamamaga ng paa ay agad itong dinala sa Rural Health Unit o RHU Asingan.
Nang masuri ay nagpositibo ito sa leptospirosis.
Nauna rito, apat na ang naitalang namamatay dahil sa leptospirosis sa Base sa tala ng Pangasinan Provincial Hospital. Marjorie Dacoro
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment