Tuesday, August 5, 2014

Lantsa sumadsad sa Manila Bay

SUMADSAD ang isang lantsa matapos mamatay ang makina sa kalagitnaan ng kanilang rescue operation sa Manila Bay.


Ayon kay Carlo James Obsella, crew ng MB San Jose 1, tinawagan sila ng training ship na Amusop mula sa Pier 15 upang tumulong sa Philippine Coast Guard (PCG) sa pag-rescue sa dalawang life boats na nasiraan din.


Naghagis sila ng tow line sa life boat subalit kinapos at dahil sa lakas ng alon ay pumulupot iyon sa elisi ng lantsa.


Bunsod nito, namatay ang makina ng lantsa at sumadsad naman sa mababaw na bahagi ng Manila bay. Jocelyn Tabangcura-Domenden


.. Continue: Remate.ph (source)



Lantsa sumadsad sa Manila Bay


No comments:

Post a Comment