Monday, August 4, 2014

Kelot patay sa taga sa Isabela

PATAY ang isang lalaki nang pagtatagain ng hindi nakilalang salarin sa ilalim ng tulay sa Purok 6, San Fermin, Cauayan City Isabela.


Inilarawan ang biktima na nasa 5’2″ ang taas, kulot ang buhok, nakapantalon ng maong at nakasuot ng dark blue na t-shirt.


Ang bangkay ay nakita ng isang lalaking nagpapaligo ng kalabaw sa ilog.


Paniwalaang itinapon lamang ang bangkay sa ilalim ng tulay dahil wala namang nakitang bakas ng dugo sa lugar.


Inaalam na ang pagkakilanlan ng biktima. Gina Roluna


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot patay sa taga sa Isabela


No comments:

Post a Comment