PINAAAKSYUNAN ni Minority Leader Ronaldo Zamora sa Kamara ang tatlong impeachment complaints na inihain laban kay Pangulong Aquino na inihain ng iba’t ibang grupo dahil sa Disbursement Acceleration Program at Enhancement Defense Cooperation Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Sa kanyang KONTRA SONA, ipinahayag ni Zamora na ang hindi pag-aksyon ng Kamara sa impeachment complaints ay posibleng magbigay ng senyales sa mga mandarambong at tiwaling opisyal ng gobyerno na wala silang pakialam at patuloy aniyang magbibigay ng lakas ng loob sa mga ito na ituloy ang katiwalian.
Ani Zamora, hindi pwedeng isangkalan ng malakanyang ang ignorance of the law sa isyu ng DAP dahil marami itong opisyal na makukonsulta sa mga legal issues.
Kasabay nito ay hinimok ng kongresista ang malakanyang na manahimik na sa isyu ng DAP at respetuhin na ang desisyon ng Korte Suprema na ito’y unconstitutional.
Nagmungkahi pa ni Zamora kay Pangulong Aquino na balasahin ang Department of Agriculture (DA) at Department of Agrarian Reform (DAR) para malutas ang problema sa dalawang kagawaran tulad ng sa National Food Authority (NFA), smuggling ng bigas gayundin sa pagkakasangkot sa pork barrel scam.
Apat na rekomendasyon ang inihain ni Zamora sa pamahalaan; una ay bilisan ang rehabilitasyon ng Yolanda hit areas, ikalat ang mga medical graduates sa barangay health centers, isulong ang environment friendly mining at ang itigil na ang conditional cash transfer (CCT) program.
Hinimay din ni Zamora ang econmic gains ng administrasyong Aquino subalit hanggang ngayon ay hindi aniya ito napapakinabangan ng ordinaryong Pilipino kaya laganap pa din ang kahirapan at kawalan ng hanapbuhay. Meliza Maluntag
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment