GRABE pala ang ibinulgar ng lumutang na babaeng diumano’y asawa ni Derek Ramsay na si Mary Christine Jolly Ramsay. Unang habol ni Mary Christine ay ang suporta ng aktor sa 11-year-old nilang anak na si Austin Gabriel at ang pagwawalang-bahala rito ay maituturing sa batas na Violations of Republic Act no. 9262 otherwise known as anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 na naisampa ng ng babae sa Makati Prosecutor’s Office.
Ang nakakalokang revelations ni Mary Christine Jolly sa kanyang affidavit ay nahawaan diumano siya ng sakit (isang nakahahawang sakit dulot diumano ng pakikipagtalik sa babaeng may “kuryente”) ni Derek pagkatapos nitong makipagkita sa ex-gf ng aktor no’ng magpunta raw ito ng Amerika, habang sila’y nagsasama pa bilang mag-asawa.
—@@@—
Destined to be a “princess” kung ‘di magbabago ang ihip ng hangin for Erich Gonzales. It’s because ang sinasabi niyang bf ay nephew ng business tycoon at SM mall owner na si Henry Sy.
Diumano’y ‘di lang pogi ang bf na ito ni Erich dahil masipag ito sa pinapalakad na business. Dahil ang uncle Henry lang naman ang may-ari ng SM, sumusyo ito bilang tagapamahala nang lahat ng Bonus products na mabibili sa nasabing mall.
Dito pa lang, hihiga na ang bida ng “Once A Princess” sa salapi, kuwarta at yaman.
A-attend kaya ng premier night ng “Once A Princess” ang bf ni Erich since sa kanilang sinehan ipi-premier ang move next week? Ang regular showing ng ONce A Princess ay sa Agosto 6, Miyerkules na on all theaters nationwide.
Kasama ni Erich dito sina Enchong Dee at JC de Vera under the direction of Veronica “Roni” Velasco. ADOR-ABLE/Adore Saluta
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment