TODAS sa ligaw na bala ang isang babae mula sa baril ng dalawang hindi pa kilalang lalaking lulan ng truck na para sana’y sa mga kaaway ng mga ito sa Valenzuela City, Miyerkules ng madaling-araw, Agosto 6.
Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang ‘di pa kilalang biktima.
Sa ulat, alas-5:30 ng madaling-araw nang pagbabarilin ng mga suspek ang nakaaway sa tapat ng North Luzon Express Way sa C-5, Ugong ng lungsod kung saan minalas na mahagip ang biktima.
Iniwan ng mga suspek ang dalang truck (WTS-859) sa pagtakas kung saan inaalam na ng mga pulis kung kanino ang truck at ano ang motibo, pati na ang pagkakakilanlan ng biktima at ng mga suspek. Rene Manahan
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment