Tuesday, August 5, 2014

12 Chinese poachers sa Tubbataha hinatulan na

GUILTY ang desisyon ng korte sa 12 Chinese poachers na lulan ng FV Min Long Yun na sumadsad sa Tubbataha Reef, Abril 2013.


Sa desisyon, malinaw na walang permiso o anumang kaukulang dokumento ang mga ito nang sila ay sumadsad sa Tubbataha.


Lumalabas din na hindi kapani-paniwala ang pahayag ng mga ito na hindi nila alam ang kanilang lokasyon.


Ang 12 ay guilty sa kasong paglabag sa Section 27 o poaching by foreigners ng Republic Act 10067 o Tubbataha Reef Natural Park (TRNP) Act.


Sila ay hinatulan ng pagkakakulong ng anim hanggang 10 taon bukod pa sa multang $100,000 kada isa.


Matatandaan na Abril 2013 nang mahuli ang mga Chinese poacher kasama ang mga nadiskubreng kahon-kahong pangolin sa kanilang sumadsad na barko. Gina Roluna


.. Continue: Remate.ph (source)



12 Chinese poachers sa Tubbataha hinatulan na


No comments:

Post a Comment