Tuesday, August 5, 2014

1 patay, 1 sugatan sa gumuhong pader sa GenSan

PATAY ang isa habang isa naman ang sugatan matapos matabunan ng natumbang pader sa national highway, General Santos City .


Ang namatay ay kinilalang si Rodolfo Aguilar, 53, habang ang sugatan ay si Gedion Ybarra, 46, ng Purok Saludin, Labangal, GenSan.

Ang mga biktima ay nagtatrabaho sa Robinson Homes sa national highway nang natumba ang pader kaya natabunan ng mga hollow blocks sa mga biktima.

Pinaniniwalaan na bulok ang pundasyon ng pader.

Napag-alamang dinala kaagad ang mga biktima sa ospital pero dead on arrival si Aguilar.

Sa ngayon ay nasa GenSan District Hospital si Ybarra habang ginagamot ang mga sugat at pasa na natamo. Marjorie Dacoro

.. Continue: Remate.ph (source)



1 patay, 1 sugatan sa gumuhong pader sa GenSan


No comments:

Post a Comment