UNCONSTITUTIONAL ang Disbursement Acceleration Program (DAP) subalit hindi ito basehan para makasuhan ang mga nakinabang dito dahil ginamit ang pondo sa mabuting paraan.
Ito ang interpretasyon ni San Beda College Graduate School of Law Dean Father Ranhillo Aquino batay sa “prospectivity clause judgement” ng Korte Suprema na unconstitutional ang Disbursement Acceleration Program ng Pangulong Benigno Aquino III.
Ipinaliwanag ni Father Ranhillo Aquino na ang ibig-sabihin ng “prospectivity clause” ay nahahati sa dalawa ang desisyon ng Korte Suprema.
Nilinaw ni Father Aquino na nakasaad sa Revised Penal Code of the Philippines, nahaharap sa kasong kriminal at administratibo ang sinomang opisyal ng gobyerno na ginamit ang pondo ng bayan o public funds sa illegal na paraan.
Tinawag ng pari ang “prospectivity clause” na isang “obiter dictum” o remark lamang.
“I doubt the status of the “prospectivity clause” because SC decision is divided into two things. First ‘yung argument ng court at nang sagutin niya ang isang isyu. Secondly, kapag may desisyon ang SC na ‘di sumasagot sa anomang isyu ‘yan ang tinatawag na “obiter dictum” o remark lang. Ang obiter dictum ay doctrinal it does not lay down doctrine, ang prospectivity clause na ‘yan for me ay isang obiter”.
Dagdag pa ni Father Aquino, “I felt really good that once and for all SC ang nagsabi na ang D-A-P kung ilang ulit ginamit sa iba’t ibang paraan ay unconstitutional, talagang labag sa Saligang Batas. If you used public funds illegally you become criminally and administratively liable. Pero ang uniqueness ng D-A-P ang may sinasabing ‘prospectivity clause’ sa judgment ng Korte Suprema. Sinasabi sa judgement na kahit itong D-A-P ay labag sa Saligang Batas, ang mga nagawa na sa nakaraan as long as nagawa in good faith ay hindi pwedeng maging basehan ng criminal prosecution or anomang aksyon.”
Dahil sa tinatawag na “prospectivity clause” ay kailangan mapatunayan ang D-A-P funds ay ginastos ng Aquino administration sa iligal na pamamaraan bago makakasuhan at mapatawan ng parusa ang mga opisyal ng gobyerno na responsable sa krimen.
“Precisely, because of prospectivity concern those who were given DAP and those who gigged DAP cannot be held criminally liable, but that does not mean that they are off the hooked, we can still asked them saan ginamit ang pondo, if COA can traced or any other vigilant groups na ginamit o nilustay ‘yan that would still be a ground despite the prospectivity clause because you cannot convert public funds for personal or illegal purposes,” paglilinaw ng pari.
The post Nakinabang sa DAP, hindi makakasuhan appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment