Wednesday, November 27, 2013

SOCE para sa October 28 barangay elections hanggang ngayon na lang

NAGPAALALA ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga nanalo at natalong kandidato sa katatapos na October 28 Barangay Elections na hanggang kanina na lamang sila maaaring magsumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).


Sa kanyang Twitter account na @jabjimenez, sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na, “Today – November 27 – is the deadline for the filing of Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) for the Barangay Elections 2013.”


Samantala, ang mga kandidato naman sa mga lugar na naapektuhan ng super bagyong Yolanda ay binigyan ng poll body ng hanggang Disyembre 15 para makapaghain ng SOCE.


Nakasaad sa Omnibus Election Code na lahat ng kandidato ay kinakailangang magsumite ng SOCE sa COMELEC, 30-araw matapos ang araw ng halalan.


Kinakailangan ding isaad ng mga kandidato sa kanilang mga SOCE ang buo, tunay at


itemized statement ng lahat ng kontribusyon na tinanggap ng mga ito at gayundin ang mga ginastos para sa halalan.


Ang pagkabigong makapaghain ng SOCE ay maaaring sampahan ng election offense na may katumbas na parusang hanggang anim na taong pagkabilanggo, pag-aalis ng karapatang bumoto, at diskuwalipikasyon sa paghawak ng anumang pwesto sa pamahalaan.


The post SOCE para sa October 28 barangay elections hanggang ngayon na lang appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



SOCE para sa October 28 barangay elections hanggang ngayon na lang


No comments:

Post a Comment