NAMAGA ang dalawang kamao ni 8-division world champion at bagong WBO welterweigth title holder Manny Pacquiao dahil sa kasusuntok sa Amerikanong boksingero na si Brandon Rios.
Ipinaliwanag ni Manny kung bakit hindi nito nagawang mapabagsak si Rios, taliwas sa naunang pagtaya ng Team Pacquiao.
Ayon sa Filipino ring icon, sadyang malakas at matibay na boksingero si Rios at tila hindi nito iniinda ang mga inabot na suntok sa kanya.
Pero bawi ni Manny, kung namamaga ang kanyang mga kamay, mas matindi ang iniindang sakit ngayon ni Rios.
Batay sa CompuBox stats, si Pacquiao ay bumitaw nang kabuuang 790 punches kung saan 281 ay tumama sa kalaban, kung ikumpara sa 502 total blows ni Rios na mayroong 138 landed.
Ayon pa sa stats, parang labs na labs ni Rios ang glabs ni Manny, dahil panay ang dapo ng suntok ng pambansang kamao sa mukha ng kalaban
Samantala, inihayag ng local boxing manager at isa sa malapit na kaibigan ni Manny na si Rex Salud, na malaki ang posibilidad na magkakaroon ng rematch si Pacman kay Timonthy Bradley.
The post Kamao ni Manny namaga sa kasusuntok kay Rios appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment