NANINIWALA ang Armed Forces of the Philippines na marami silang natutunan sa mga ibinibigay na training ng US Armed Forces lalong-lalo na sa isinagawang territorial-based scenario na isinagawa sa San Antonio, Zambales na nasa mahigit 100 nautical miles ang layo mula sa Scarborough (Panatag) shoal na kontrolado na ngayon ng China.
Ayon kay Balikatan 2015 chief of Staff Lt. Col. Doroteo Jose Jalandoni, mga tropa mula sa Marine Batallion Landing Team-4 (MBLT-4) ang sumabak sa nasabing amphibious landing exercises kasama ang nasa 600 miyembro ng US Marine Marines.
Itinanggi naman ni Jalandoni na walang kinalaman sa pagiging agresibo ng China ang nasabing joint military exercise sa pagitan ng Pilipinas at US.
Giit pa ni Jalandoni na hindi sila gumagawa ng joint exercises sa mga lugar na pinag-aagawan. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment