TINAPOS na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang imbestigasyon pero ayaw magbigay ng detalye sa aksidenteng pagkabaril ni Cavite Vice Gov. Jolo Revilla sa sarili sa noong Pebrero.
Ayon kay NCRPO chief Carmelo Valmoria, mabilis lamang ang imbestigasyon dahil hindi na nila nakausap ang mismong biktimang si Jolo.
Maliban dito, hindi rin sila nagsagawa ng survey sa lugar na pinangyarihan ng insidente.
Bagamat naisumite na ang imbestigasyon kay PNP-OIC Leonardo Espina, tahimik naman ang NCRPO.
Ayon kay Valmoria, bahala na si Espina kung isasapubliko nito ang laman ng report.
Matatandaang ilang araw ding nanatili sa ospital si Revilla matapos aksidenteng mabaril ang sarili habang nililinisan ang baril. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment