ISA pang batch ng plunder complaint ang isinampa kaninang umaga (Abril 21) laban sa mga pangunahing opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kaugnay sa umano’y maling paggamit o misused ng meal allowance para sa mga preso na nagkakahalaga ng P50-milyon.
Kasama ang Sanlakas at Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), isinampa ni Jail Inspector Angelina Lumba-Bautista ang plunder complaints sa Ombudsman laban sa siyam na dati at incumbent officials ng BJMP laban sa kanilang hepe na si Director Diony Dacanay Mamaril.
Maliban kay Mamaril, ang mga sumusunod na mga opisyal ng BJMP na kinasuhan din ng plunder ay sina Senior Supt. Renato Gacutan, director ng BJMP Cordillera Administrative Region (CAR), Jail Senior Supt. Ignacio Panti, director ng BJMP Region 5, Jail Supt. Rufino Santiago, BJMP Region 3 Jail supervisor, Jail Inspector Marina Teodoro, wardress of Bataan Provincial Jail Female Dormitory, Jail Inspector Rosemarie Claro, accountant ng BJMP National Capital Region (NCR) at isang sibilyan na si Arnel Romero, chief accountant ng BJMP national headquarters.
Kinasuhan din ng plunder ang tatlong retiradong BJMP officials na sina Jail General Gilberto Marpuri, dating chief comptroller ng BJMP National Headquarters, Jail S/Supt. Egmedio Callos, dating director of BJMP Region III, at S/Insp. Nestor Bulatao, former disbursing officer ng BJMP Region III. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment