Tuesday, April 21, 2015

Sandiganbayan divisions, 7 na

PARA sa mas mabilis na pagpapalabas ng desisyon ukol sa pork barrel scam at iba pang itinuturing na high-profile na kaso ay nagdagdag si Pangulong Benigno Aquino III ng dalawa pang dibisyon sa Sandiganbayan.

Ayon kay Deputy Presidential spokeperson Abigail Valte, nilagdaan ni Pangulong Aquino ang Republic Act 10660 o an Act Strengthening Further for Functional and Structural Organization of the Sandiganbayan Further Amending Presidential Decree No. 1606 as Amended and Appropriating Funds Therefore noong abril 16, 2015.

Dahil sa batas na ito’y ang dating limang Sandiganbayan division ay magiging pito na.

At dahil din dito ay kailangang magtalaga ni Pangulong Aquino ng anim na bagong Sandiganbayan justices sa anti-graft court o sa 6th at 7th division ng Sandiganbayan.

Magkakaroon din ng pagbabago sa bilang ng mga justices para magkaroon ng quorum dahil maaaring dalawa lamang ay ayos na mula sa dating tatlong justices bago masabing may quorum.

Napakalaki aniya ng maitutulong ng batas na ito dahil mas magiging magaan na ang trabaho ng kasalukuyang justice na may hawak ng kaso ng isang maipluwensiyang indibidwal o politiko sa bansa.

“Well, that’s what really matter in these cases, faster disposition, given the current…You can get from the Sandiganbayan their actual workload but to add more divisions means that you are adding more justices to share in the workload of the Sandiganbayan. And that, hopefully, will result in the faster disposition of cases that are pending before the Sandiganbayan,” paliwanag ni Usec. Valte sabay sabing “Remember that the divisions handling the Napoles-related cases also have other cases to contend with. So, effectively, adding more divisions.. will unload some of these case to the new divisions; and hopefully, will help the existing justices with their work.”

Samantala, nakasaad naman sa RA 10660 na may pondo para sa bagong anti-graft court division kabilang na ang annual national budget. KRIS JOSE

.. Continue: Remate.ph (source)

Sandiganbayan divisions, 7 na

No comments:

Post a Comment